Huli-cam: Pagtapon ng basura ng dalawang residente sa baha nag-viral

Dismayado ang mga netizens matapos mapanood ang video ng dalawang taong nagtatapon ng basura sa mismong baha sa labas ng kanilang tahanan.

Kumalat sa social media ang video kung saan nakuhanang nagtatapon ng basura ang dalawa.

Makikitang hindi lang isa, kundi sandamakmak na basurang naipon ang itinapon ng dalawa.

Ibinahagi ni Kapitan De Vera Toto ang nasabing video. Umani na ito ng maraming reaksyon at puro pambabatikos ang natanggap ng dalawang residente.

Umabot na sa mahigit 7 thousand ang nag-share ng video at mahigit 2 thousand na reaksyon.

Saad ng mga netizens ay dapat na maturoan ng leksyon ang ginawa ng dalawa. Aniya nila ay walang mga disiplina ang mga ito.

Imbes na maging malinis upang hindi na lumala ang baha ay mas lalong pinalala pa nila ang sitwasyon.

Ayon sa netizen na nakakakilala sa mga ito ay kamag-anak pa umano ito ng kagawad sa lugar na iyon.

Samantala, mukhang nangyari ang insidente sa Barangay 67 Zone 6, Caloocan city dahil si Kapitan De Vera mismo ang nagbahagi ng video.

Saad ni De Vera sa kanyang post, “Sikat kana ngayon….naway bumalik sayo basurang itinapon nyo sa baha….tsk tsk.”

Madaling bumaha sa kamaynilaan kahit na mahina lang ang ulan. Dumagdag pa ang basurang itinapon nila sa basurang babara sa drainage.

Ang video ay patunay na marami pa ring Pilipino ang matitigas ang ulo at hindi nagtatapon ng basura sa tamang tapunan.

Kaya mas lalong lumalala ang baha dahil sa walang tigil na pagtapon ng basura kahit saan.

filipinoclip.com
What do you think about this article? Make sure to leave a comment below!
Loading...
Tell Us What You Think