LOOK: Trillanes, hinamon si Duterte dahil sa marijuana joke: ‘I am again calling on him to take a drug test’

Naghahamon ngayon si Senator Antonio Trillanes IV matapos maging kontrobersyal ang naging biro ni Pangulong Rodrigo Duterte na gumagamit siya ng marijuana.

Hamon ni Trillanes, kung nais umano ng pangulo na linawin ang isyu, ay dapat magpa drug test na si Duterte.

“Now, if he really wants to clear himself, I am again calling on him to take a drug test,” saad ni Trillanes.

Banat pa niya, desperado umano si Duterte na papaniwalain na hindi talaga siya gumamit, ngunit ang totoo ay matagal na itong durugista rin.

“Duterte is desperately trying to contain the damage of his admission about marijuana use by saying it is just a joke. Too late! Bistado na sya na isa rin pala syang durugista,” aniya.

Dahil naging usap-usapan ang naging pahayag ng pangulo, nilinaw niya sa kanyang interview na biro lamang ang kanyang sinabi.

“I want to shake the tree in the middle of a boring. Alam mo naman nagpapatawa talaga ako.”

I”t was a joke of course. It was a joke but nobody can stop me from just doing my style minsan sabi niyo misogynist ako biro ako ng ganun that’s my style, it’s too late to change if I want to joke I will joke. Kung maniwala kayo gago kayo,” dagdag ng pangulo.

Source: ABS-CBN , GMA

What do you think about this article? Make sure to leave a comment below!
Loading...
Tell Us What You Think