Political analyst – ‘Payo ko sa lahat, tingnan niyo yung ginagawa at wag ‘yung salita’

May payo ang isang political analyst patungkol sa kung paano magsalita si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko.

Naging kontrobersyal ulit ang panibagong joke ng pangulo matapos nitong sabihin na gumagamit siya ng marijuana.

Ayon kay Political analyst Professor Ramon Casiple nitong Martes, dapat maging maingat ang mga media sa mga salita ng pangulo. Dapat umano ay intindihin nilang mabuti ang kabuuang pahayag ng pangulo at ang lohika ng sinasabi ni Duterte.

“Payo ko sa lahat, tingnan niyo yung ginagawa at wag ‘yung salita,” saad ni Casiple.

“Unconventional, pwede nating sabihin, pero lalo na sa mga mamamahayag, sa ating mga nasa media eh cautious kayo dapat sa mga ganyan. Tingnan niyo muna ‘yung susunod na statement o kaya ‘yung lohika ng kanyang mga sinasabi,” dagdag nito.

Paliwanag ni Casiple, gumagamit ng “feedback mechanism” ang pangulo upang tingnan kung ano ang magiging reaksyon ng kanyang tagapakinig.

“Maggagawa siya ng ganyang mga statement and then tinitingnan niya kung sino magre-react,” ayon kay Casiple.

Payo rin niya, dapat alisin ng publiko ang kanilang ideyal na pangulo dahil iba si Pangulong Duterte. Kakailanganing gumamit tayo ng ating utak upang maintindihan ang kanyang mga sinasabi.

“Kung may ideya kayo kung ano dapat ang presidente, alisin niyo na sa minds niyo [dahil] hindi kayo ang presidente. Kumbaga you have an idea of how a president should behave, this one is not behaving that way, eh wala tayong magagawa dyan, you really have to read him,” paliwanag ni Casiple.

Sa pahayag ni Pangulong Duterte sa international conferences nitong Lunes, nagbiro na naman ang pangulo at sinabing gumagamit siya ng marijuana upang makasabay sa mga nakapapagod na iskedyul sa mga pagpupulong sa iba’t ibang mga leaders.

“It’s a killing activity, and I think my age… Ako hindi masyado, kasi nagma-marijuana ako eh, para para magising. Sa iba hindi na kaya,” saad ni Duterte.

Nang ma interview ulit ang pangulo tungkol sa kanyang sinabi, nilinaw ng pangulo na biro lamang iyon.

Ayon kay Duterte, ayaw lang niya mainip ang mga nakikinig kung kaya nagbibitiw siya ng mga biro.

Saad pa niya, ganoon na ang kanyang personalidad at huli na para bagohin pa ito.

“I want to shake the tree. Boring ‘pag wala. Alam mo naman nagpapatawa talaga ako,” saad niya.

“It was a joke of course. It was a joke but nobody can stop me from just doing my style minsan sabi niyo misogynist ako biro ako ng ganun that’s my style, it’s too late to change if I want to joke I will joke. Kung maniwala kayo gago kayo,” dagdag pa niya.

Source: GMA, CNN

What do you think about this article? Make sure to leave a comment below!
Loading...
Tell Us What You Think