WATCH: Ex-NPA may Napakagandang Mensahe sa mga Estudyante na Ikinabilib ng mga Netizen

Ang sigalot sa gitna ng gobyerno at ng mga rebelde ay matagal nang nananahan. Ilang dekada na din ang lumipas nang magsimulamg isigaw ng mga rebelde ang kanilang hinaing sa gobyerno at piliin ang mamuhay sa mga kabundukan, malayo sa urbanidad.

NPA

Marami na ang mga taong nagbuwis ng buhay sa pagrerebelde at hanggang ngayon ay walang hustisya. Marami na din nakuhanh buhay ang mga ito mula sa nga tahimik na pamayanan. Siga at marahas, yan ang mga unang salita na pumapasok sa ating mga isip sa tuwing maririnig natin ang salitang”rebelde.” At pinatutunayan ito ng mga balitang lumalabas sa tuwing may gagawing panunugod at paghahasik ng lagim ang makakaliwang grupo na mga ito.

Marami ang naging recruit ng mga New People’s Army o NPA. May mga tumanda na sa samahan at may mga piniling umalis at mamuhay ng tahimik. At ang iba naman, piniling ibahagi kung paano ba ang buhay ng pagiging isang rebelde. At ano ano ba ang kalakaran dito. Isa sa mga taong ito ay si Ka Tina na isa sa mga lider na nagrerecruit sa mga tao upang mapabilang sa hanay ng NPA.

Speech ni Ka Tina

Sa isang speaking engagement ni Ka Tina sa harap ng maraming estudyante, ibinahagi nito ang kanyang naging buhay simula maging NPA ito at hanggang sa pagtiwalag nito sa grupo. Sinabi nitong pinagsisisihan nito ang pagsali sa mga rebelde kasabay ng pagbigay ng babala na layuan ang pagsali dito.

Isiniwalat din niya sa mga kabataan ang taktika na ginagamit ng mga makakaliwa na kung saan ay galit na emosyon ang ginagamit ng mga ito upang makapanghikayat pa ng mga tao. Dagdag pa aniya ay ayaw ng grupo sa mga taong nag-iisip, bagkus sa mga taong sumusunod lamang.

Sa kalagitnaan ng kanyang speech, nabanggit ng dating rebelde,

“May Presidente tayong nagta-trabaho, inaaway pa natin. I would rather have a President who have a foul mouth. Kahit mag-mura siya minu-minuto, oras-oras. Kita mo naman nagtratrabaho eh. Kahit sampung milyong Duterte ang ilagay mo diyan, kung kayo mismo hindi nag-aaral ng matino, sama kayo ng sama sa grupo, tandaan ninyo ang unang hakbang patungong sa kabundukan ay ang iapak ang inyong paa sa lansangan, sumama sa malawak at sistematikong pagkilos sa lansangan.”

Nabanggit din ni Ka Tina na isa sa mga gawain ng kilusan ay ang pagpapasabog sa mga imprastraktura.

Komento ng netizens

Naging inspirasyon naman sa mga netizen ang ginagawang talks ni Ka Tina upang mabuksan ang malayang isipan ng mga kabataan ngayon. Hinihikayat ng mga netizen si Ka Tina na mag-speech sa mga unibersidad na kung saan ay maraming mga aktibista.

 

Source: Facebook

What do you think about this article? Make sure to leave a comment below!
Loading...
Tell Us What You Think